Skip to main content

I proud of myself today


Yes I proud of myself today. Today I say NO. Muntik na akong mag give in, muntik ko na makalimutan na I'm a new person na nga pala. Na hindi na ako yung dating Anya. 

Hindi na ako yung dating babaeng basta basta mag papadala sa kung ano lang ang gusto ko. 

Na alala ko yung preaching ni Pastor Carlo nung sunday "Gawin ang dapat kesa sa Gusto".

Kahit gustong gusto kong makasama ang lalaking mahal ko dapat kong isipin na kung tama ba ito. Hindi ko pwedeng sunggaban yung opportunity na yon dahil yon yung mag papababa ng value ko as a person at kung paano ako titignan ng lalaking mahal ko. 

Yung una hinayaan ko dahil may gusto akong patunayan. At sa ngayon na may pangalawang pag kakataon hindi pwedeng maulit yung ganong pagkakamali. 

Ayaw ko nang panandaliang saya, gusto kong maging masaya ng pang habang buhay. Gusto kong nasa tama ang lahat. Ayaw ko ng maulit yung dati.

Hindi ko hahayaang sayangin yung binibigay sa akin ni God na pag kakataon para ayusin at gawing tama ang buhay ko ngayon. 

God I trust you kayo na po ang bahala sa akin at sa pamilya ko. I'll always pray for the restoration ng family ko, hindi ako pwedeng kumilos sa paraan na alam ko lang kailangan po kita. 

Turuan mo po akong maging malakas at maging matatag if I stumble God teach me po kung paano maging courageous para ipag patuloy yung dapat kong gawin. 

I want my life a beautiful story na mapupulutan ng aral ng mga taong makikilala ko. Nag babago ako para sayo God. I love you lord I always honor you. 

In jesus name I pray amen.

Comments

Popular posts from this blog

Lilipas din ito. ngayon lang ito.

Lilipas din ito. Ngayon lang ito.   Magiging okey din ang lahat. Hindi ako pagod lumaban,  ang nakakapagod eh yung  hindi mo alam kung ano pa ba ang dahilan  mo bakit ka lumalaban at umaasa na maayos  pa ang lahat. Pero sabi mo God just love. kaya yan ang ginagawa ko. 

21 days breakthrough experienced

Yung una ang purpose ko lang naman talaga is mag grow yung prayer life ko. I admit hindi ako ganon kagaling mag pray (feeling ko hindi ako ganon ka intimate makipag usap kay God I think hindi katulad ng iba) , feeling ko yung prayer ko hindi powerful at yung sa iba mas papakinggan ni God.  In 21 days ang dami ko din na crossover na mga bagay bagay, especially sa attitude  and habits , in 21 days meron dyan na ma te-temp ka na bumalik sa dating ikaw pero grabe lang talaga si God,he is in control talaga in everything lagi nya ni re-remind na kung bakit hindi ko kailangan bumalik sa dating ako, dahil ang ako ngayon ay mas better (much much better).  Isa talaga sa problem ko yung finances ko at gusto ko talagang mag crossover don  (hindi ko muna e-elaborate kung bakit at ano yon)  basta in 21 days na bless din ako yung unang blessing is from my leader binigyan nya ako ng sideline. 2nd blessings nang matanggap ko yung kalahati ng 13th mos ko sa new company ko. Naaalala ko hind